Patay ang isang pulis matapos siyang tambangan at pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan habang kasama pa ang kaniyang mag-ina sa Imus, Cavite.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA News

Sa ulat ng GMA News TV “QRT” nitong Lunes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nasa loob pa ng subdibisyon kaninang umaga ang SUV ni Police Captain Ariel Ilagan nang harangin sila ng pulang AUV na walang plaka.

Bumaba ang mga sakay ng AUV na armado ng baril at pinaputukan ang biktima sa loob ng SUV, kasama ang kaniyang misis at anak na babae.

Kaagad na nasawi ang pulis habang nasugatan naman ang kaniyang mag-ina na nagpapagaling na.

Papasok daw sa trabaho sa Southern Police District ang biktima nang mangyari ang pananambang.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ano ang motibo sa krimen.–FRJ, GMA News

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.