Ang lungsod ng Bacoor ang may naitatalang pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Cavite. Sa kasalukuyan, mayroon nang 650 kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan matapos makapagtala ng 31 panibagong kaso ngayong Miyerkules, Hulyo 29, 2020.

Sa 650 kaso ng COVID0-19 sa Bacoor, 364 dito ang active cases, 251 ang gumaling na at 35 naman ang mga nasawi.

Samantala, ikalawa naman sa pinakamataas ang lungsod ng Dasmariñas kung saan mayroon nang 308 kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 15 karagdagang kaso ngayong Martes, Hulyo 28, 2020. 159 dito ang active cases, 132 ang mga gumaling na at 17 naman ang binawian ng buhay.

Photo Courtesy: City Government of Dasmariñas

Sinundan naman ito ng Lungsod ng Imus na mayroong 300 kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ayon sa pinakahuling balita ng pamahalaang lungsod noong Martes, Hulyo 21, nagkaroon ng 60 panibagong kaso ng COVID-19 ang lungsod. 140 dito ang active cases, 147 ang gumaling na at 13 naman ang naitalang nasawi mula sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,222 kabuuang bilang ng positibong kaso sa buong lalawigan ng Cavite kung saan 333 dito ang gumaling na, 54 ang nasawi at 835 naman ang active cases.

Samantala, ayon sa pinakahuling balita ng Philippine Information Agency Calabarzon (PIA) ngayong Miyerkules, Hulyo 29, mayroon nang 6,262 kabuuang kaso ang buong Rehiyon 4-A Calabarzon kung saan 1,222 dito ang nagmula sa Cavite, 2,367 ang mula sa Laguna, 941 sa Batangas, 1,416 kaso sa Rizal at 316 naman ang mula sa Quezon.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.