Ayon sa facebook post ng Cavite Provincial Mobile Force Company (CPMFC), nakiusap ang mga ito na kung sakaling bibisita sa Kaybiang Tunnel ay manyari lamang na wag basta iwanan ang mga basura.

“Kami po na mula sa Cavite Provincial Mobile Force Company(CPMFC) sa pangunguna ng aming Platoon Leader PLT. RICHARD C. CARAGAY at sa ilalim ng gabay at direktang patnubay ng aming Force Commander PLTCOL EGBERT B.TIBAYAN ay nagsagawa po ngaung araw ng lunes Pebrero  22,2021 ng clean up drive sa kahabaan ng kaybiang tunnel n kung saan ikaw,sila ay inyong pinapasyalan,”

“Humihingi po kami ng tulong sa inyo kung ikaw man ay papasyal o babalik muli sa nasabing lugar ay iwasan natin ang pagkakalat sapagkat makikita nyo po sa  mga larawan na aming kuha kung gaano karumi karaMi ng kalat na iniiwan ng karamihan o baka mismo ikaw na nagbabasa ay nakapgtapon o nagiwan nadin ng kalat sa kaybiang tunnel…..sa simpleng hindi pagtatapon ng inyong mga pinagkainan….. ay malaking bagay na ito sapagkat kung linggo linggo mrami napunta sa kaybiang tunnel at walang pakundangan ang pgiiwan ng kalat ay hindi nadin magiging kaaya aya tignan  ang lugar na ating pinapasyalan,”pakiusap ng CPMFC.

Dagdag pa nila “kaya po sa lahat ng nakakabasa nito raiders kaman turista ka man siklista o kahit anu pa man grupo…. Muli po kami nakikiusap na bawat isa inyo ay malaking tulong na ang di pagiiwan ng anumang uri ng basura sa lugar…at saking palagay po sa isyung 20 pesos ecological fee kung ikaw man ay isa s umalma… magtulungan nalang tayo… disiplina sa sarili lang ang kailangan……hindi kana gagastos nakapamasyal ka pa sa maaliwas at malinis na lugar.”

Kamakailan, nagkaroon ng ecological fee na P20 sa nasabing pasyalan na para sana sa pagsasaayos at pagpapanatili ng kalinisan sa tunnel, pero agad itong inalmahan ng mga turista dahilan para bawiin ng lokal na pamahalaan ang nasabing ordinansa.

Source: Cavite Provincial Mobile Force Company

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.