Inanunsyo ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi na nakamit na ng lungsod ang herd immunity sa COVID-19 matapos mabakunahan ang higit 80 porsyento ng target population.

Ayon kay Maliksi, umabot na sa 288,348, na katumbas ng 85.36 porsyento ng target population, ang nakakumpleto ng bakuna, habang may 294,763 o 87.26 porsyento na nakatanggap ng first dose, mula noong Martes.

Mayroon pang 44,605 na nabigyan ng booster shot para sa kabuuang 627,716 kabuoang doses ng bakuna na naipamahagi.

“Bunga ng ating pagbubuklod-buklod ay matagumpay nating nakamit ang herd immunity dito sa ating lungsod,” ani Maliksi.

Kasunod nito, pormal na ring binuksan ng Imus ang pagbabakuna sa mga residente sa kalapit na bayan at lungsod.

“[T]uloy ang ating pinalawak na vaccination campaign para mailapit sa mas marami pa ang proteksyon ng bakuna,” ani Maliksi.

Ilang mga bayan sa Cavite ang pansamantalang itinigil ang COVID-19 immunization sa kabila ng mataas na bilang ng mga tinatamaan ng virus sa mga miyembro ng vaccination team. Ilan na rito ang bayan ng Cavite, Tanza, General Trias at Alfonso.

Nauna nang sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na tutol siya na i-lockdown ang buong probinsya sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19 dito at sa buong bansa.

Sumirit muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang Kapaskuhan. Nitong Miyerkoles, nakapagtala ang DOH ng higit 32,000 na bagong kaso — ang pangalawang pinakamataas na naitala sa kada araw.

Source: ABS-CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.