Sa nagdaang 24-oras, 91 na pagyaning ang naitala ng mga awtoridad sa paligid ng bulkang Taal. 

Ayon sa PHIVOLCS, nitong nakaraang Miyerkules nagtala sila ng 69 na pagyanig at makalipas lamang ang 24- oras ang umakyat na ito sa 91 na pagyanig na tumatagal ng isa hanggang limang minuto.

Naglabas din ang main crater ng bulkan ng puting “steam-laden plumes” na may taas na limang metro, mas mababa kumpara sa 20-metro na usok nitong Miyerkules, ayon sa PHIVOLCS.

Kamakailan lamang ay inilikas ang mga residente na naninirahan sa Taal Island.

Nanatiling nasa Alert Level ang bulkang Taal, ibig sabihin ay maaaring magkaroon ng mga biglaang pagpapakawala ng steam, volcanic earthquakes, ashfall, at pagipon ng volcanic gas na lubhang delikado.

Source: GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.