Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Kinuwestiyon ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga pagbabago sa Saligang Batas ng bansa. Ayon sa Facebook post nito, sang-ayon naman siya dito ngunit hindi ito umano ang tamang oras para dito.

“Ako po ay sang-ayon na kailangan na ang pagbabago sa ating Saligang Batas. I believe that the constitution is a LIVING document that must reflect the wisdom of our times. I believe that ease of foreign investment and strengthening of the local government is a necessary part for the country to develop faster and better.” ani Remulla.

“But is it the right time?” tanong nito.

Ipinahayag ni Remulla na bagamat importante ang mga reporma sa saligang batas, mas kinakailangang pagtuunan ng pansin ang COVID-19 na mas malaking problema ng bansa sa kasalukuyan. “Ang COVID ay laganap at patuloy na kumakalat. Ang COVID ay nariyan pa. Hindi pa ito nawawala, bagkus ay lalo pang lumalaki ang problema ng bansa. This global challenge requires FOCUS and DETERMINATION. Our government must be singular in its effort to control the spread of the disease.” paliwanag ni Remulla.

“COVID does not only affect the sick, it affects everyone. COVID chooses no one. Jobs are lost. The economy is in shambles. Lives are disrupted. Opportunities missed. Private schools have closed. Public schools are in flux. Ang mga OFWs na siyang mga bagong bayani ng bayan, bukod sa pinauwi na dahil sa kawalan ng hanapbuhay sa ibang bansa – napakasakit na walang tumanggap sa kanila pabalik at sadyang tinakwil pa habang yung mga may sakit (o suspetsang may sakit) ay pinandidirihan.” dagdag na paliwanag nito.

Suhestiyon nito, mas kinakailangang bigyang pansin ang pagkakaroon ng testing, contact tracing at isolation upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit. “I am sure there are better, more efficient and intelligent ways to make the people cooperate with the government. We should continue to prioritize testing, conduct better contact tracing and isolation. Then, let us focus in healing not just of the sick but as well as uniting the people towards economic recovery.” ayon kay Remulla.

“Dapat, wala tayo ibang unahin na kung ano ano. Pagtuunan sana natin ng singular na atensyon ang paglaban at pagsugpo sa pandemya at aksyunan lahat ng problema na dulot nito. Tsaka na yang Charter Change (ChaCha) or the proposed Amendments to the Constitution.” dagdag pa nito.

Nanawagan din ito sa mga opisyal ng gobyerno na unahin ang importante bago ang mga sarili. “Tsaka na yang Charter Change (ChaCha) or the proposed Amendments to the Constitution. Unahin ang IMPORTANTE. Let us serve the people FIRST before we serve ourselves.” ayon kay Remulla.

Ayon sa pinakahuling balita ng Department of Health, mayroon nang 70,764 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 45,646 ang active cases, 23,281 ang gumaling na at 1,837 naman ang nasawi.

Samantala, 1,009 naman ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa buong lalawigan ng Cavite kung saan 333 ang gumaling na, 53 ang nasawi at 623 naman ang active cases.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.