Sa Facebook live ni Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong Martes, Agosto 4, 2020, binanggit nito ang ilan sa mga patakaran na kailangang sundin ng publiko ngayong nasa ilalim ng MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine ang lalawigan.

Pahayag ng gobernador, ang isa sa pinakamaraming katanungan ay ang tungkol sa pampublikong transportasyon kung saan naglabas ang IATF ng patakaran na mahigpit na ipinagbabawal ang pampublikong sasakyan kagaya ng LRT/MRT, bus, jeepney, taxi, at iba pa. 

Ngunit sa ibinahaging guideline ni Remulla, ang lahat ng pampublikong transportasyon ay pinayagan nito. “Ang lahat ng public transportation ay puwedeng mag-operate kapag ito ay para sa serbisyo ng mga pabrika, manggagawa at essential workers.” ayon kay Remulla.

Gayunpaman, nilimitahan ni Remulla ang pagbiyahe sa loob ng lalawigan para lamang sa may mga opisyal na transaksyon. “Inter-Province travel will be restricted to OFFICIAL BUSINESS purposes only. UNOFFICIAL travel shall be strictly limited. All JOWA passes are cancelled.” ayon dito.

Dahil magkaiba ang pahayag ng national government at ang inilabas na patakaran ni Remulla, marami ang nagtanong ukol dito. Kaya naman nilinaw ito ng gobernador sa isinagawa niyang Facebook live video.

Paglilinaw nito, siya ang nagdesisyon ng pagpayag ng pampublikong transportasyon sa lalawigan. “Ang number 1 na tanong ay tungkol sa public transportation. I take full responsibility. Kung meron pong labag sa batas o patakaran ng IATF, ito po ay desisyon ko at ako po ay mananagot para dito.” ani Remulla.

“Ayon sa pamahalaan, tuloy ang operasyon ng mga pabrika ngayong MECQ. Dito po sa Cavite, halos 200,000 ang nagtatrabaho sa loob ng mga factory. Kung sasabihin na tuloy ang trabaho pero puputulin ang public transportation, edi parang sinabi nyo nanamang wala na namang trabaho.” paliwanag niya.

Ayon din dito, marami ang mga naglakad para lamang makapasok at makauwi ng trabaho noong nakailalim pa sa ECQ ang Cavite. “Noong ECQ, ang naglalakad mula PEZA sa Rosario hanggang sa Tanza ay umaabot ng 4 hanggang 5 kilometro para lamang makauwi, makasakay ng public transportation o bago masundo.” ayon kay Remulla.

“Ito po ay pahirap sa ating production. Para sa ikabubuti po ng Cavite, manggagawa, at ng ating bansa, ay nagpahayag na po ako na ituloy ang public transportation lalung-lalo na para sa ating industrial sector. Ito po ay magbabago kung nakapaghanda na ang mga kumpanya ng kanilang shuttle services.” dagdag nito.

Mariing paglilinaw ng gobernador, ito ay kaniyang desisyon para sa lalawigan at handa siyang managot kung mayroong paglabag sa IATF. “Inuulit ko, ang pagpayag po ng public transportation sa Cavite is my responsibility. Hindi po sa Chief of Police, hindi po sa mga mayor, akin po itong desisyon. Hindi ko naman dapat gayahin ang lahat. Naiiba po ang Cavite kaya ito po ay ginawa natin dito.” pahayag ni Remulla.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.