Inumpisahan nang mag-imprenta ng Comelec ng 350,000 opisyal na balota sa National Printing Office para sa mga espesyal na botohan sa ikapitong distrito ng Cavite sa darating na Pebrero 25.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia na hinahangad nilang matapos ang proseso kasama ang verification at iba pa sa loob ng mahigit isang linggo.

“The printing process including the verification will be done in 10 days,” aniya bago ang kick-off ceremony ng pag-imprenta ng mga balota sa Quezon City.

May kabuuang 355,184 na balota ang iimprenta, kaparehong bilang ng mga rehistradong botante sa apat na lugar sa lalawigan. Ito ay ang lungsod ng Trece Martires City na may 29,171 na botante, at ang mga munisipalidad ng Amadeo, 29,172; Indang, 46,552; at Tanza, 159,950.

Sa kabuuan, ang distrito ay may 116 barangay at 75 voting centers.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ang mga espesyal na botohan ay magiging “automated” dahil gagamit sila ng mga vote counting machine (VCM) na may numerong 852, kabilang ang mga backup machine.

Apat na aspirante ang naghahangad para sa posisyon na kumatawan sa nasabing distrito sa House of Representatives – ito ay sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo, Melencio Loyola De Sagun Jr., Michael Angelo Santos at Crispin Diego Diaz Remulla, na tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: PNA
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.