Photo Courtesy: RMN Networks

Opisyal na inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang pagtaas ng liquor ban sa buong lalawigan ng Cavite ngayong buwan ng Disyembre.

Matatandaan na nagkaroon ng liquor ban sa lalawigan bilang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Ngunit sa pinakahuling pahayag ni Remulla sa kaniyang Facebook page, binanggit nito na maaari nang bumili ng alak kahit anong oras at wala na ring limit ang pagbili nito sa mga tindahan.

“Simula Dec 1 ay lifted na po ang liquor ban sa buong Cavite. ” ani Remulla.

“Wala pong limit sa oras para bumili at walang limit sa bilihan. Ngunit ang public consumption at intoxication ay bawal pa rin.” dagdag nito.

Nilinaw naman ni Remulla na ipinagbabawal pa rin ang public consumption at intoxication kung kaya’t huhulihin pa rin ang sinumang makitang lasing sa lansangan.

“Mga pare ko, pag may umangal na nag-iinuman sa lansangan, pasensya na ha. Minimum tolerance basta barkadang inuman ang mahuli ng ating mga kapulisan.” pahayag ni Remulla.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Lalawigan ng Cavite, Balik ECQ Simula Marso 29, 2021!

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, balik ECQ ang buong lalawigan ng Cavite simula Marso 28 hanggang Abril 4, 2021. "Just talked to SPOX Harry Roque. Cavite along with other areas will be under ECQ from Sunday, March 28-April 4, 2021." ani Remulla. "I will report...

5-Anyos na Bata Mula Cavite, Pinagsasaksak ng Bisita!

Dalawang saksak sa katawan ang inabot ng isang 5-anyos na bata na nakatira sa lalawigan ng Cavite. Natamo umano ng biktima ang saksak mula sa kanilang bisita na pinagtangkaang halayin ang ina ng bata.Ayon sa balita ng GMA Public Affairs, pinatuloy lamang daw ang...

Inuman at KTV, BAWAL sa Cavite Ngayong GCQ!

Ngayong sasailalim muli ang lalawigan ng Cavite sa General Community Quarantine o GCQ, inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla ang pagbabawal ng mga party o inuman ng magbabarkada. Ito ay ayon sa kaniyang Facebook post ngayong linggo ng gabi, Marso 21, 2021."Bawal ang...

Cavite, Isasailalim Muli sa General Community Quarantine!

Ang buong lalawigan ng Cavite ay sasailalim sa GCQ o General Community Quarantine simula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021. Ito ay ayon sa Resolution No. 104 na inilabas ng Inter-Agency Task Force nitong Marso 20, 2021.Samantala, wala pang inilalabas na quarantine...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.