Photo Courtesy: @Takbong Pogi

Sa pinakahuling Facebook post ni Cavite Governor Jonvic Remulla, isinaad nito na NO TOURISM ZONE na ang Kaybiang Tunnel simula ngayong Biyernes, Marso 19, 2021.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="8443686059" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ang kadahilanan ng pagbabago ng patakaran dito ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Ang Kaybiang Tunnel ay kilalang pasyalan ng mga riders kung kaya’t palaging maraming tao gayundin ang mga nakaparadang sasakyan gaya ng bisikleta, motor at kotse sa nabanggit na lugar.

“Marami ang nag-report sa aking tanggapan na ang Kaybiang Tunnel sa Mt. Pico de Loro ay nagiging sanhi ng traffic, basura, at umabot pa sa mga lokal na turista ang sila silang nagba-bardagulan doon. Buong magdamag ay libo-libong bisikleta, motorsiklo, at sasakyan ang nakaparada, kumakain, nagliliwaliw at lahat ay tumitigil para mag-selfie o mag-picture-taking doon.” pahayag ni Remulla.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="8443686059" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“Ang resulta? Nonstop TRAFFIC at bottleneck mula entrance at exit ng tunnel. Kaya simula sa Biyernes ay strictly NO TOURISM ZONE na ang Kaybiang Tunnel.” ayon din dito.

Kaya naman, simula ngayong Biyernes, Marso 19 ay ipagbabawal na sa Kaybiang Tunnel ang mga sumusunod:

1. NO PARKING in the vicinity of the Kaybiang Tunnel.
2. NO BIKE riders using the tunnel for leisure purposes.
3. NO EATING in the vicinity of the tunnel.
4. NO SELFIES in the vicinity of the tunnel.
5. NO LOITERING in the vicinity of the tunnel.
6. BAWAL ANG BUMUSINA sa loob ng tunnel.
 
“Hindi ko naman kagustuhan ang basagan ng trip. Ngunit responsibilidad ko din na siguraduhin na maayos ang counterflow ng traffic at maintenance ng law and order sa ating mga lansangan.” ani Remulla.

Dagdag pa nito, mula Tanza, Naic, Maragondon at Ternate ay magkakaroon ng checkpoint areas ang PNP.

Source: Gov. Jonvic Remulla Facebook page

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Ayuda para sa pamilya na may anak na PWD, isusulong sa Kamara

Isang panukalang batas ang isinusulong sa Kamara na makatutulong na mabigyan ng financial aid ang mga bawat pamilya na may anak na Persons with disability (PWD). Paliwanag ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, ang natu­rang batas ay isang financial aid para sa mga mahihirap na...

Deadline ng sim card registration hanggang April 26 na lang -DICT

Pinaalala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na hanggang April 26, 2023 lamang ang deadline o huling araw ng SIM Card registration. Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.