Ayon sa pinakahuling Facebook post ni Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong Huwebes, Agosto 13, ihinayag nito ang kaniyang pagkabahala sa pagbibigay ng Russia ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Bagamat hindi ito umano kontra sa bansang Russia at wala umano itong koneksyon sa ibang bansa na gumagawa rin ng bakuna ay nababahala si Remulla sa COVID-19 vaccine na galing sa Russia. “Ako po ay nababahala sa mainit na balita na ang Russia ay maglalabas na ng vaccine para sa COVID-19. I have nothing against the Russians nor am I connected to any preferred country or vaccine manufacturer.” ani Remulla.

“I do NOT stand to gain on this but forgive me if my primary interest is to safeguard the health and safety of my constituents in Cavite.” dagdag nito. 

Paliwanag ni Remulla, ang Russian data ay hindi available. Hindi din umano bukas ang kanilang pamamaraan at ang pagiging epektibo ng bakuna ay hindi pa sumasailalim sa pagsusuri. “As far as I know, the Russian data is UNAVAILABLE; their methodology is NOT open; and its efficacy has not been subject to a review and analysis.” pahayag ni Remulla.

Ibinigay nitong halimbawa ang Denvaxia na umabot sa mahigit kumulang 600 ang namatay dahil sa hindi tamang paggamit. “Dengvaxia is a feasible example of a vaccine gone bad. Many died from its misuse and because of this many became anti to the use of vaccines.” ani Remulla.

Kaya naman, nanawagan ito sa Department of Health (DOH) na protektahan ang proseso ng pagsusuri, pag-apruba, at pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19.

“There is no bigger decision than choosing a clinically tested and effective vaccine, at the correct time, at the fair price.” ayon kay Remulla.

“110 MILLION lives are at stake. The Filipino people are counting on you.” dagdag pa nito.

Kamakailan ay ihinayag ng bansang Russia na handa silang magbigay ng libreng bakuna ng COVID-19 sa Pilipinas.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.