Nanawagan si Magallanes Mayor Jasmin Maligaya-Bautista sa mga kababayan niyang Frontliners na nagtatrabaho sa ibang lugar na huwag munang umuwi sa bayan ng Magallanes para maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.

“Ito na sinasabi ko kaya mahigpit akong nakikiusap sa mga kababayan kong Frontliners na kahit miss nyo na at sabik na sabik na kayong makita ang inyong pamilya ay PAKIUSAP wag muna kayo umuwi! Para na din yan sa mas nakararami lalong lalo na ang inyong Pamilya. ” ani Bautista.

Ito ay matapos mabalitaan na may isang lalaking umuwi sa kaniyang pamilya sa Barangay Urdaneta, Magallanes noong Miyerkules (May 21, 2020) at umalis din ng Huwebes (May 22, 2020). Ang nasabing lalaki ay naghihintay ng kaniyang swab test result. Ayon umano dito, sinabihan siyang babalitaan sa loob ng 4 na araw ngunit walang natanggap na tawag kaya naman napagdesisyunan nitong umuwi sa kaniyang pamilya sa pag-aakalang negatibo ang resulta ng kaniyang test. Sa kasamaang palad, nakatanggap siya ng balita sa ika-6 na araw (May 22, 2020) na positibo siya sa COVID-19.

Napag-alaman ng kapitan ng Barangay Urdaneta 4:00PM nitong Huwebes (May 22) ang nangyari.

Gayunpaman, paalala ni Mayor Jasmin na hindi kinakailangang mag-panic ng mga tao dahil kasalukuyang ginagawa ng awtoridad ang wastong mga hakbang tulad ng pag-lockdown ng kanilang barangay at contact tracing upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bayan.

“Hindi kailangang mag panic ang mga taga Brgy. Urdaneta, na i lockdown na nila kapitan ang area kung saan umuwi ang lalaki. Nagkaroon na din ng contact tracing ang BHERT at napagalaman na 18 ang nakasalamuha nito at lahat ay kanyang kapamilya. 6 ay taga Urdaneta at 12 ay taga Matahong. Isolated na sila. Nagrequest na din tayo ng swab testing para sa 18 taong nakasalamuha nya.” ani Bautista.

“Please stay at home. Sa mga nasa labas naman ng Magallanes kung di naman importanteng importante, wag muna kayo umuwi. Para ito sa kaligtasan nating lahat!” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan (May 22, 2020) ay nananatiling COVID-FREE ang bayan ng Magallanes dahil wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.