Isang tama ng bala sa dibdib ang tinamo ng isang padre-de-pamilya mula sa mga rumespondeng pulis ma­tapos nitong i-hostage ang kanyang buong pa­milya nang maburyong kahapon ng madaling araw sa Brgy. Anabu 2-D, Imus City.

Kasalukuyan nga­yong­­ inoobserbahan sa pa­ga­­­mutan ang suspek na nakilalang si Cornelio­ Andrada Bautista, 52- anyos ng nasabing lugar dahil hiniling nito ang insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ligtas naman at wa­lang nasugatan sa limang miyembro ng pa­milya na hinostage ng suspek na nakilalang sina Jonlyn Solo Bautista, misis ng suspek, 40-anyos; Linalyn S. Bautista, 17-anyos, Lynielle S. Bautista, 16-an­yos, Lionell John S. Bautista, 14-anyos at Lord Chekerson S. Bautista, 11-anyos, mga anak ng suspek.

Sa imbestigasyon, alas-12:50 ng madaling araw ng maganap ang pangho-hostage ng suspek sa kaniyang asawa at mga anak sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Brgy. Anabu 2-D, Imus City, Cavite.

Armado ng baril, nagwala ang suspek hanggang sa tinutukan nito ang kaniyang pamilya. Agad na rumesponde ang SWAT team at Imus Police at sinimulan ang negosasyon sa suspek.

Nang makita ng suspek ang kapulisan na nakapalibot sa kanilang bahay, lalo itong nagwala at itinutok ang kaniyang baril sa kapulisan at akmang ipuputok ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Dito na binaril ng isa sa kapulisan ang suspek na tinamaan sa itaas na bahagi ng dibdib nito.

Duguang bumagsak ang suspek na agad na­­mang naitakbo sa pa­ga­mutan. Sa pagsisiyasat­ ng pulisya, matinding selos ang nagtulak sa suspek na gawin ang panghohostage.

Wala namang nasaktan sa mga miyembro ng pamilya nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Phil Star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.