Umabot sa 492 bagong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) mula sa mga sample galing sa mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’ at lokal na residente. Sa genome ­sequencing nitong Enero 13-14 ng UP-Philippine Genome Center, UP-National Institutes of Health, at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa 714 samples, bukod sa mga bagong Omicron, natukoy rin ang dagdag na 115 Delta variant cases, at isang Alpha variant.
Sa 492 Omicron ­cases, 332 sa kanila ay mga lokal na kaso habang 160 ay mga balikbayan. Sa 332 lokal na kaso, pinakamarami dito ang nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 227 kaso, 76 kaso mula sa Calabarzon, 11 sa Central Luzon, lima sa Central Visayas, tig-2 sa Cagayan Valley, western Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at CAR, habang tig-1 kaso naman sa Ilocos Region, Mimaropa, at BARMM.
Tatlo sa mga ito ang kasalukuyang aktibo, dalawa na ang nasawi habang 467 ang nakarekober. May 20 kaso pa ang kasalukuyang biniberepika. Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 535 ang kumpirmadong kaso ng Omicron sa Pilipinas.
Source: Philstar
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.