Ang Casa Monteverde Subdivision, Barangay F. De Castro sa General Mariano Alvarez, Cavite ay sumailalim sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos makapagtala ng 3 magkakasabay na kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay.

Ayon sa inilabas na impormasyon ng Pamahalaang Bayan ng General Mariano Alvarez, mananatili ang MECQ sa bayan hanggang Hulyo 5, 2020.

Sa ilalim ng MECQ, papayagang magbukas ang mga negosyo sa loob ng subdivision mula Lunes hanggang Sabado subalit quarantine pass holder lamang ang maaaring mamili dito.

Mananatili namang sarado ang Gate 2 sa pagitan ng Sunshine Homes at Gate 3 sa pagitan ng Rolling Hills.

Papayagan lamang lumabas ng subdivision kung araw ng pamimili sa ilalim ng barangay scheming (Lunes at Huwebes) maliban kung ikaw ay special pass holder o papasok sa trabaho.

 

Hindi papayagang makapasok sa loob ng subdivision ang mga non-residents maliban sa mga emergency na pangangailangan.

Ang mga essential deliveries lamang ang papayagang makapasok sa subdivision tulad ng pagkain, gamot at PPEs.

Ang lahat ng store personnel sa loob ng subdivision ay dapat na nakasuot ng face shield at face mask.

Ang mga talipapa at grocery stores ay dapat maglagay ng markings para sa physical distancing.

Mahigpit na ipatutupad ang stay at home policy (bawal ang tambay), curfew hours (8:00 pm – 4:30 am), pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang lahat ay kanilang ginagawa upang masigurado ang kaligtasan ng nakararami.

Mayroon nang 18 kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa General Mariano Alvarez ngayong araw ng Lunes, Hunyo 22, 2020.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.