Isang bagong kaso ng COVID-19 positive ang naitala sa bayan ng Indang ayon sa lokal na pamahalaan nitong Martes, Hunyo 30, 2020.

Ayon sa impormasyong inilabas ng bayan, ang pasyente ay isang call center agent sa Pasay City. “Isa po siyang 25 years old, Female na CALL CENTER AGENT sa isang BPO Company sa Lungsod ng Pasay kung saan dito din siya nagtitigil sa isang boarding house, siya po ay mula sa Brgy. Poblacion 2.” ayon sa kanilang Facebook page.

“Bilang bahagi ng medical requirements sa kanilang kumpanya sumailalim siya sa PCR Swab Test noong ika-25 ng Hunyo 2020. Isinagawa ang naturang test sa isang Private Testing Facility sa Manila.” ayon din sa pamahalaan.

Lumabas umano ang resulta ng pasyente sa isinagawang PCR Swab Test noong Hunyo 26, 2020. Nakuha naman ang resulta nito nitong Martes, Hunyo 30, 2020 kung saan lumabas na positibo sa COVID-19 ang pasyente.

Samantala, kasalukuyang asymptomatic ang pasyente o hindi nakakaranas ng anumang sintomas ng sakit at naka-home quarantine. 

Nagsasagawa na rin umano ang bayan ng mga kaululang hakbang gaya ng contact tracing upang maiwasan ang posibilidad na mas kumalat pa ang sakit. “Nagsagawa na po ng mga kaukulang protocol tulad ng contact tracing ang ating Rural Health Unit, katuwang ang ating Brgy. Captain at mga Officials sa nasabing barangay na mahigpit ang isinasagawang monitoring at pagbabantay upang maagapan ang naturang sitwasyon.” ayon sa kanila.

Pagtitiyak naman ng pamahalaang lokal na ginagawa nila ang lahat para sa kaligtasan ng mamamayan. “Umasa po kayo na ang ating Pamahalaang Bayan ay tinitiyak ang kaligtasan at kahandaan ng ating bayan sa gitna ng ating patuloy na laban sa banta na dala ng sakit na COVID19.” ayon sa pamahalaan.

“Muli po ang ating pakiusap na sumunod sa lahat ng umiiral na patakaran na ipinatutupad at mas paigtingin ang ibayong pag iingat higit lalo sa unti-unting pagbalik ng ilang aktibidad sa ating pamayanan na maaring magdulot ng panganib dulot ng sakit na COVID19.” pakiusap nila sa publiko.

 Sa kasalukuyan, mayroon nang 6 kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Indang kung saan 4 dito ang gumaling na at 2 naman ang active cases.

Para sa talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, bisitahin ang ating CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.