Isang bagong kaso ng COVID-19 positive ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite ayon sa lokal na pamahalaan nitong Martes, Hunyo 30, 2020.

Narito ang detalye na inilabas ng pamahalaang bayan ng GMA tungkol sa pasyente:

“Siya ay isang lalaki, 43 years old, mula sa Brgy. Tiniente Tiago. Siya nagtatrabaho bilang isang aircon technician sa Carmona, Cavite. Siya ay natest noong June 25 at ngayong araw naipadala sa Municipal Health Office ang kanyang resulta. Kasalukuyan na ring isinagawawa ang contact tracing ng health monitoring team.” ayon sa LGU.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan, patuloy na sumunod sa patakaran upang mapanatiling ligtas sa banta ng COVID-19. “Patuloy po tayong mag-ingat sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety protocols ng DOH gaya nang pagsusuot ng face mask at pagmamaintain ng physical distancing. Ipanalangin din po natin ang agarang pag-galing ng iba pa.” ayon sa kanila.

Sa kabuuan, mayroon nang 28 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bayan ng General Mariano Alvarez kung saan 12 ang naitalang gumaling na at mayroon namang 2 nasawi.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.