Ang buong lalawigan ng Cavite ay opisyal nang sumailalim sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine simula ngayong araw, Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020. Sa ilalim ng MECQ, mas nilimitahan ang mga maaaring lumabas upang maiwasan ang mas pagkalat pa ng sakit.

Ayon sa pinakahuling balita ni Cavite Governor Jonvic Remulla, napagkasunduan ng mga alkalde ng bawat lungsod at bayan sa Cavite na ang maaari lamang lumabas ay ang mga:

  • May quarantine pass. Ito ay non-transferrable at isa lamang ang maaaring gumamit sa loob ng isang tahanan.
  • Mga empleyado na may work ID na may katumbas na HR schedule.

Mahigpit na ipinapatupad ang “Stay at Home” policy sa ilalim ng MECQ kung kayat ipinagbabawal ang mga sumusunod: 

  • Bawal ang dine-in sa lahat ng mga restaurant.
  • Sarado muli ang mga tiangge, barber shops, salons at computer shops.
  • Wala munang “Lipat Bahay “ pansamantala habang MECQ.
  • Bawal ang lamay sa patay.
  • Lilimitahan ang non-essential travel.

Samantala, tuloy naman ang operasyon ng mga pabrika. Ang lahat ng public transportation ay maaari ring mag-operate kapag ito ay para sa serbisyo ng mga pabrika, manggagawa at essential workers. Tuloy din ang pagpapatupad ng Palengke policy gayundin ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Ang mga malls naman ay balik sa Local Residents protocol kung saan maaari lamang pumunta sa mga mall sa loob ng bayan o lungsod na iyong nasasakupan maliban sa patakaran ng Tagaytay para sa karatig na bayan at maliban rin sa Trece Martires na kasama ang Indang at Amadeo.

Limitado din ang operasyon ng mga mall sa essential banks, supermarkets at mga pharmacy. Ang mga department store ay sarado. Ang mga konstruksyon naman sa publiko at pribado ay papayagan sa ilalim ng pagsubaybay ng DPWH (public) at ng LGU/DOLE (private).

Magkakaroon din ng checkpoint ang bawat barangay. Ang Inter-province travel naman ay limitado naman sa official business purposes. Samantala, ang liquor ban ay nakadepende sa magiging desisyon ng LGU ng bawat lungsod o bayan.

Sa kasalukuyan, may 1,824 kabuuang kaso na ng COVID-19 sa lalawigan ng Cavite kung saan 525 dito ang active cases at 57 naman ang mga nasawi.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Hindi Pa Nakaka-Rehistro sa National ID? Basahin Ito:

Narito ang mga hakbang sa unang step ng pagreregister ng National ID.1.Pls. Log on To Register For Your Appointment Procedure: https://register.philsys.gov.ph 2. I-fill out ang lahat ng mga impormasyong hinihingi. Ang lahat ng impormasyon ay mandatory lalo na ang...

2 Patay, 3 Naman ang Sugatan sa Banggaan na Naganap sa Naic, Cavite

Dalawa ang inulat na nasawi matapos maganap ang banggaan ng tatlong motorsiklo sa Naic, Cavite nitong Huwebes, Mayo 06, 2021.Ayon sa balita ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing mga rider ng dalawang motorsiklo na sina Michael Pascua at Eddie...

2 Taon Gulang na Bata, Patay Matapos Mabulunan ng Jelly Candy

Naganap ang insidente nitong Miyerkules, Mayo 04, 2021 sa Mati City, Davao Oriental. Narito ang ilang pahayag mula sa ABS-CBN News."Nagdadalamhati ang pamilya Cercado sa Mati City, Davao Oriental dahil sa pagpanaw ng 2 taong gulang nilang miyembro na si Ash. Noong...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.