Ngayong nasa ilalim ng MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine ang buong lalawigan ang Cavite, isa sa mga mahigpit na ipinagbawal ng gobyerno ay ang pampublikong sasakyan. Sa kabila nito, tuloy pa rin ang trabaho ng ilang mga manggagawa. Kaya naman, naglunsad si Cavite City Vice Mayor Denver Chua ng Libreng Sakay Program para sa mga frontliner at essential worker na mula Cavite City hanggang Noveleta at Epza.

“Sa muling pag babawal sa public transportation sa ilalim ng MECQ. Ramdam ko po ang hirap ng ating mga commuters. Ang paglalakad mula Cavite City hanggang Noveleta ay napakahirap para sa ating mamamayan, ito po ay hindi biro lalo na sa ating mga frontliners at mga essential workers. Kaya naman muli po nating ibabalik ang LIBRENG SAKAY para sa mga Caviteño mula Cavite City Checkpoint papuntang Noveleta Plaza (Vice Versa) handog ng inyong lingkod Vice Mayor Denver Chua.” pahayag ng bise-mayor.

Ang schedule para sa libreng sakay mula Cavite-Noveleta (vice versa) ay mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Ang sasakyan ay manggagaling mula sa Checkpoint sa Cavite City.

Para naman sa mga nagtatrabaho sa EPZA, ang schedule ng libreng sakay ay mula Lunes hanggang Biyernes, alas-5 hanggang alas-7 ng umaga. Ang mga sasakyan ay manggagaling mula sa McDonald’s Cavite City at nakalaan para sa mga nagtatrabaho sa EPZA.

Ayon kay Chua, mahigpit pa ring ipapatupad ang health measures katulad ng pagsusuot ng face mask, temperature checking, disinfection, gayundin ang pagcheck ng ID para sa mga nagtatrabaho sa EPZA.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.