Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Umakyat na sa 112 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng General Trias, Cavite matapos makapagtala ng 10 bagong kaso nitong Miyerkules, Hulyo 15, 2020. 

Ayon sa lungosd, 6 sa mga kasong naitala ang “new cases” o mga pasyenteng nailabas ang resulta nang nakaraang 3 araw. Samantala, 4 naman dito ang “late cases” o mga pasyenteng lumabas ang resulta nang nakaraang 4 na araw o higit pa.

Mayroon namang 1 pasyente na naitalang nasawi sa lungsod at mayroon ding 1 pasyenteng gumaling na.

“We have 6 New Confirmed COVID-19, 4 Late Reported Cases, 1 Death, and 1 New Recovered Patients reported today.” ayon sa kanilang anunsyo.

Sa kasalukuyan, ang Cluster 1 ang may pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang nasasakupan nito ay ang Bacao 1, Bacao 2, at Navarro.  Ang mga nasabing barangay ay nakapagtala ng 26 kabuuang kaso ng COVID-19.

Sa kabuuan, mayroon nang 112 kaso ng COVID-19 ang General Trias kung saan 38 dito ang active cases, 66 ang gumaling na, at 8 naman ang nasawi.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.