Malungkot na ibinalita ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkakaroon ng 9 panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kawit ngayong Biyernes, Agosto 7, 2020.

“Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na muling nadagdagan ng 9 na bagong positive COVID-19 cases ang ating bayan. Kinikilala natin sila bilang sina Patient 63 hanggang 69, 71 at 72.” ayon sa alkalde.

Ang mga nagpositibong pasyente sa COVID-19 ay kinilalang sina:

Patient #63 – 36 taong gulang na lalaking residente ng Barangay Kaingen.
Patient #64 – 42 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Congbalay-Legaspi.
Patient #65 – 54 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Panamitan.
Patient #66 – 33 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. San Sebastian.
Patient #67 – 61 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Kanluran.
Patient #68 – 30 taong gulang na lalakingng residente ng Brgy. Toclong.
Patient #69 – 20 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. Kanluran.
Patient #71 – 51 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Batong Dalig.
Patient #72 – 35 taong gulang na babaeng residente ng Brgy. Panamitan.

Sa kabuuan, mayroon nang 72 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kawit, Cavite kung saan 37 dito ang active cases. “Sa kasalukuyan ay mayroon na tayong 37 ACTIVE CASES.” ayon kay Aguinaldo.
 
“Sa pakikipagtulungan ng RHU at ng buong Kawit LGU, ginagawa po natin ang lahat upang mapanatili nating mababa ang active cases. Hindi natin pwedeng hayaan na lumobo ito at lubha pang maapektuhan ang ating serbisyong medikal.” dagdag nito.

Kooperasyon ang hinihingi nito sa mga nasasakupan upang maiwasan ang mas pagkalat pa ng sakit sa bayan. “hinihingi ko po ang inyong kooperasyon. Ang pagsunod niyo sa precautionary measures natin ay napakahalaga sa pagpapabagal ng pagkalat ng virus na ito. Mag-suot ng face mask, obserbahan ang social distancing, at umiwas sa mga mass gathering. Sa pagtutulungan ng lahat, mapapagtagumpayan natin ang virus na ito.” pakiusap nito.

 

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.