Nakapagtala ang lungsod ng Tagaytay ng 5 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Biyernes, Agosto 7, 2020 ayon sa anunsyo nila sa kanilang official Facebook page. 

Narito ang impormasyong inilabas ng lungsod sa kanilang Facebook page ukol sa mga nagpositibong pasyente:

Si Patient 41 ay 30 taong gulang na babae na nagtratrabaho sa isang health card insurance company at nagmula sa Brgy Tolentino East. Siya ay namamalagi sa NCR kasama ng kanyang pamilya. Nagkaroon ng sipon at nawalan ng panlasa kaya siya ay sumailalim sa swab test. Kasalukuyan siya ay nakaquarantine sa quarantine facility ng lungsod habang minomonitor ng COVID-19 Medical Team.

Si Patient 42 ay isang 44 taong gulang na lalaki na isang auto-mechanic, nakatira sa Silang Crossing East at may ari ng isang auto supply shop sa ibang bayan sa Cavite. Siya ay mayroong close contact sa isang confirmed COVID-19 case sa labas ng Tagaytay. Nagkaroon ng sintomas at agarang nagquarantine sa kanilang tahanan. Ngayon sya ay patuloy na nag quaquarantine sa kanilang tahanan at minomonitor ng Brgy Silang Crossing East Health Emergency Response Team.

Si Patient 43 ay isang 41 taong gulang na babae, housewife at nakatira sa Brgy Maitim 2nd East. Siya ay may online selling sa kanilang tahanan. Nakaramdam ng sinat at pananakit ng ulo kaya nagpatingin sa isang health care facility at isinailalim ng City Health Office sa swab testing. Sa kasalukuyan, siya ay may kaunting sintomas at nasa quarantine facility ng lungsod at minomonitor ng COVID-19 medical team.

Si Patient 44 ay isang 23 taong gulang na babae, isang trainee sa ibang lungsod ng Cavite at nakatira sa Brgy Guinhawa North. Sya ay close contact ni Patient 25. Sa kasalukuyan sya ay asymptomatic at nasa quarantine facility ng lungsod habang minomonitor ng COVID-19 medical team.

Si Patient 45 ay 57 taong gulang na babae, isang housewife at nakatira sa Brgy Kaybagal South. May travel history sa loob at labas ng Tagaytay. Bilang isa sa requirements pabalik ng ibang bansa, siya ay sumailalim sa swab test at napag alaman na positibo sa COVID-19 Virus. Siya ngayon ay asymptomatic at minomonitor ng BHERT mg Kaybagal South.

Pinaalalahanan naman ng lungsod ang sinumang makakaranas ng sintomas na makipag-ugnayan sa kinauukulan. “Para sa mga taong nagkakaroon ng sintomas ng COVID-19; lagnat, ubo, sipon, hirap sa paghinga, pagkawala ng panlasa at pang amoy, pananakit ng lalamunan o diarrhea, maigting namin pinapayuhan na mag self quarantine sa inyong mga tahanan, magmonitor at ipagbigay alam sa inyong mga BARANGAY HEALTH EMERGENCY RESPONSE TEAM.” ayon sa kanila.

“Gayun din sa mga close contacts ng Positive o Suspect cases ay pinapayuhan na mag self quarantine at HUWAG LUMABAS NG TAHANAN. ” dagdag na paalala ng lungsod.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 45 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tagaytay.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.