Ayon sa inilabas na pahayag ni Naic Mayor Jun Dualan sa kaniyang Facebook page, 2 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Naic ngayong Miyerkules, Hulyo 15, 2020. Ang mga pasyente ay kinilalang sina Patient #11 at Patient #12.

“Para po sa kaalaman ng lahat, ang nagpositive po ay si Patient #11, isang lalake, asymptomatic, 41 years old na taga Phase 1 South Morning View, Brgy. Timalan Balsahan na nagtatrabaho bilang driver. Siya po ay nasa pangangalaga ng Rural Health Unit for isolation.” pahayag ng alkalde.

“Ang isa pa po ay si Patient #12 isang babae, mild case, 20 yrs old na taga Brgy. San Roque. Siya po ay kasalukuyang nakaconfine sa isang pribadong ospital dito sa Cavite.” dagdag nito.

Samantala, nagsasagawa naman umano ng contact tracing ang Rural Health Unit ng bayan upang malaman ang mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19. “Nagsasagawa napo ng contact tracing ang ating RHU upang maischedule ng swab testing ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo.” ani Dualan.

Pinaalalahanan din nito ang mga nasasakupan na patuloy na mag-ingat upang makaiwas sa sakit. “Panatilihin ang pag iingat. Isuot ang face mask sa tamang paraan na natatakpan ang ilong at bibig at sundin ang proper social distancing protocols.” ayon dito.

Sa kabuuan, 12 na ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Naic kung saan 8 dito ang gumaling na at 2 naman ang nasawi.

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.