Nakapagtala ngayong Agosto 24 ang lungsod ng General Trias sa Cavite ng 14 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 5 dito ang fresh cases at 9 naman ang late cases.

Samantala, mayroon namang 59 pasyenteng gumaling na mula sa nasabing sakit. 

Sa kabuuan, mayroon nang 932 pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng General Trias kung saan 171 dito ang active cases, 747 ang mga gumaling na at 14 naman ang mga nasawi.

Patuloy pa rin ang paalala ng lungsod na sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa COVID-19. “The public is strongly urged to strictly follow health protocols such as social distancing, wearing of face mask, regular hand washing, and staying at home unless going out for essential goods and services, or working in allowed industries.” ayon sa lungsod.

“Vulnerable groups such as senior citizens, individuals 20 years and below, pregnant women, and those with pre-existing medical conditions are advised not to go out of their houses unless extremely necessary.” dagdag nilang paalala.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.