Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng National Housing Authority (NHA) ang turn-over ceremony ng 30,000 house and lot units noong Lunes, Disyembre 5 na itinayo sa bayan Naic.

Ang mga proyektong pabahay ng NHA ay iginawad sa mga informal settlers (ISFs) na apektado ng Supreme Court Mandamus para i-rehabilitate ang Manila Bay. Ang mga ISF ay mga Pilipino na naninirahan sa mga lugar na mapanganib at mga pamilyang apektado ng mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.

Personal na iniabot nina Marcos at NHA General Manager Joeben Tai ang Certificates of Eligibility for Lot Awards (CELA) sa limang pamilya na kumakatawan sa 3,000 benepisyaryo na dumalo sa event sa Naic, Cavite.

Sabay-sabay na ginanap ang paggawad ng house and lot units sa NHA project sites sa National Capital Region, Luzon, Visayas, at Mindanao.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ang grand awarding ng NHA’s certificates of house and lot ay pagtupad sa pangako ni Tai sa Pangulo na magtayo ng mas maayos at mas maraming mga bahay para sa mga Pilipino na walang sariling tahanan. Kabilang din sa pangako ng housing agency ay magtayo ng 1.3 milyong unit ng kabayan.

Ang pamamahagi ng Transfer of Certificate Titles (TCTs) sa pitong miyembro ng Kapatiran sa Bukidnon at paggawad ng unit sa 24 na dating rebelde ay isinagawa sa pamamagitan ng koordinasyon sa Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity.

Sinabi ni Tai na nagsusumikap din silang magkaroon ng ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor para makapagbigay ng mas maraming pagkakataon sa kabuhayan sa lahat ng benepisyaryo ng pabahay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: PTV
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.