Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Halalan na, mag-ingat sa mga fake news

Ang patuloy na pagpapakalat ng fake news laban sa akin ay hindi na bago lalo na’t papalapit na ang eleksyon. Nasa taumbayan na ang paghuhusga kung maniniwala sila sa mga naninira lamang.

Inihayag ito ni Senator Christopher “Bong” Go bilang babala sa publiko na huwag magpapabiktima sa mga fake news at mga maling impormasyon na itinutulak ng mga nais magsamantala sa kahinaan ngayon ng mga Filipino na nahaharap sa hamon ng kasalukuyang krisis.

Ayon kay Go, may mga grupo na tinatangkang magtanim ng galit at pagkakahati-hati sa bawat isa para maisulong ang kanilang political agenda at pansariling interes.

“Inaasahan ko na ‘yan ngayong papunta na tayo sa eleksyon. Walang katapusang kasinungalingan at pagpapakalat ng fake news na naman mula sa mga grupong walang ginawa kundi manira ng kapwa. Wala pong katotohanan lahat ’yan,” ani Go.

Kaya naman pinaalalahanan niya ang mga Filipino na manatiling mapagbantay at i-validate muna ang mga impormasyong kumakalat sa iba’t ibang communication channels upang hindi mabiktima ng mga black propaganda.

Sinabi ni Go na hindi na siya masosorpresa sa paglabas ng marami pang kasinungalingan sa mga darating na araw lalo’t estilo na ito ng maruming pulitika ng mga nais sirain ang mga nagawa ng gobyerno.

Muling idiniin ni Go na wala siyang interes tumakbong presidente sa darating na halalan kaya hindi dapat sinasayang ng ilang grupo ang kanilang oras sa pagwakwak sa kanya.

Ngunit tiniyak ng senador sa mga Filipino na sa kabila ng mga putik na ibinabato sa kanya at sa administrasyon ay nananatili silang nakapokus sa pagtupad sa mandatong maibangon ang bansa mula sa pandemya.

Source: Phil Star Ngayon

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.