Isang biker ang nasawi makaraang dumire-diretso sa ilalim ng tulay habang bumabag­tas sa Lobo-Lobo Bridge sa Barangay Tua, bayan ng Magallanes, dito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ad­rianne Hernan, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Magallanes Police, alas- 4:20 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan sakay ang biktima sa kaniyang bisikleta at bumabagtas sa nasabing tulay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Nabatid na pababang kalsada ang lugar sanhi upang hindi nakontrol ng biktima ang kaniyang manibela ng bisikleta hinggil sa may kabilisan din umano ang patakbo nito hanggang sa lumipad ito at dire-diretsong nahulog sa ibaba ng tulay.

Nagkandabali-bali ang mga buto ng biktima at tumama rin ang ulo nito sa mga bato sa ibaba ng tulay na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ilang oras pa bago tuluyang naiahon ng Municipal Disaster Risk Reducation and Management Office (MDRRMO) ang katawan ng biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Phi Star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.