Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Muling umapela si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpapatupad ng Motorcycle Divider. Panawagan ng senador, muling ikonsidera ang pagtutol ng mga rider, eksperto at mga mambabatas dahil sa usaping kaligtasan.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang unang umapela si Revilla sa IATF sa paggamit ng motorcycle divider. Ayon kay Revilla, ang DIY or Do-it-Yourself installation ng makeshift barriers ay “fundamentally unsafe” at sasalungat sa motorcycle’s engineering at balance, na pananaw mismo nito bilang isang motorcycle rider.

Muli itong nanawagan matapos ianunsyo ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na siyang Joint Task Force (JTF) COVID Shield Chief na mas palalawigin pa ang paglalagay ng motorcycle divider simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 26.

“Napakarami po sa ating mga kababayan ang mismong nagsasabi na nahihirapan silang magbalanse at mag-maneuver ng kanilang motorsiklo dahil sa divider. Sa hirap po ng buhay ngayon lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang walang hanapbuhay at pambili ng divider, napipilitan silang mag-improvise ng sarili nilang barricade. Mas nalalagay tuloy sa alanganin ang ating mga kababayan lalo na kung yung improvised na divider nila ay hindi matibay ang pagkakakabit, marupok ang materyales, o di kaya’y kulang o sobra sa bigat,” paliwanag ni Revilla.

Ayon pa nito, nakapagdulot na ito ng ilang aksidente sa unang dalawang linggo ng pagpapatupad nito. “Sa halos dalawang linggo po mula nang ipatupad ng IATF ang paggamit ng divider sa mga motorsiklo, may ilan nang aksidente ang idinulot nito.” ani Revilla

“Huwag po nating hintaying maging sanhi pa ito ng mas malalang aksidente. Baka imbes na makatulong, baka mas lalo pa itong magdulot ng malaking perwisyo,” dagdag pa nito.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.