Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ibinahagi ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla sa kaniyang Facebook live ngayong Lunes ng umaga ang kasalukuyang kalagayan nito. “Ang hirap pala nito… Walang makatulong sayo, mag-isa ka…” bigkas nito sa kaniyang live video.

Ibinahagi rin nito kung ano ang nararamdaman niya ngayon. “Pakiramdam ko po ngayon, parang napaka-sensitive ng balat ko. Parang mahapdi ng konte. ” aniya. “Masakit sa ulo kapag umuubo ka.” dagdag nito.

Ayon din dito, mas nagpapahirap ang sakit na ito dahil hindi maaaring maasahan ang pamilya dahil maaari silang mahawa. “Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang hirap nito, hindi mo pwedeng asahan ang pamilya mo, kahit yung mga tao mo. You have to be responsible kapag nagkaroon ka ng ganitong sakit.” ani Revilla.

Ikinuwento din ng senador ang kaniyang karanasan kung paano nagsimula ang kaniyang sakit at kung ano ang kaniyang mga naramdaman. “Para malaman ng mga kababayan natin ang symptoms, nagstart ako parang may allergy sa mata ko, parang namumula. Pina-check ko pa nga yung mata ko eh. Tapos the next day, binigyan pa ako ng gamot sa mata, para na siyang sore eyes. Nung Thursday, akala ko sore eyes talaga. Kumontak pa kami ng opthalmologist.” aniya.

“Sinabi ng doktor, pwedeng COVID yan. Sabi ko, imposible, baka allergy lang yan o sore eyes. Pero nung sinabi nung doktor yun, nag-isolate na rin ako kaagad.” dagdag nito.

Dasal naman ang hiling ni Revilla mula sa mga kababayan. Sa kaniyang live video, binaggit din niya na hindi madali ang kanilang pinagdadaanan dahil sa magkakasunod na pagsubok. “I need prayers sa inyong lahat, mga kababayan ko. Ang daming mga pagsubok na pinagdadaanan. Kamamatay lang ng tatay ko…” ayon kay Revilla.

“I know that I’m going to be okay. I’m not okay but I’m gonna be okay. Malalagpasan natin ‘to, ipagdasal niyo lang po ako.” saad nito.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.