Pagkalipas ng 24 oras na paghahanap ay naaresto na ng mga otoridad ang sekyu na bumaril sa 17-anyos sa tulong na rin ng misis nito kahapon.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Leo Cuta Saratan, nasa hustong gulang, ng Brgy. Balite 1, Silang, Cavite.

Matatandaan na kamakalawa nang pagtripang barilin ng suspek ang biktima na kinilala sa pangalang Jonjon, residente ng Iruhin East,Tagaytay City.

Lasing umano ang suspek at habang naglalakad ay nadaanan nito ang biktima at walang kaabug-abog na barilin na tinamaan sa tiyan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Agad na nagsagawa ng follow-up ang Tagaytay City Police at sa tulong ng misis nito ay natunton ang pinagtataguan ng suspek na nagtago sa bahay ng kanyang kapatid sa Las Piñas City.

Habang ang baril na ginamit ng suspek na revolver na may laman na mga bala at 1 basyo ay narekober sa Sitio Pusil, Brgy. Iruhin East,Tagaytay City kung saan naganap ang krimen.

Kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa Ge­neral Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Trece Martires City ang biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Phil Star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.