Tatagal na lamang ng pitong araw ang ‘qua­rantine at isolation period’ ng mga indibidwal na kumpleto na ang natanggap na bakuna, maging ang kanilang mga naging ‘close-contacts’ makaraan ang pagrebisa ng Department of Health (DOH) sa kanilang panuntunan. Sa ilalim nito, pitong araw na lamang ang isolation ng mga ‘probable, asymp­tomatic, at mild cases’ kung sila ay bakunado na. Mananatili naman ang 10-araw na isolation para sa mga indibidwal na hindi pa kumpleto ang dose ng bakuna at sa mga hindi pa nakakatanggap ng kahit isang dose ng COVID-19 vaccine.
Ang pagbabago ay makaraang payagan ng DOH ang mas maiksing isolation period sa mga healthcare workers na bakunado na upang matugunan ang kakapusan sa tauhan ngayong nakararanas muli ang bansa ng panibagong surge sa mga bagong kaso. Tatagal na lamang ang ‘quarantine’ ng mga healthcare workers na may dalawang dose ng bakuna at booster shot ng limang araw maging ang mga bakunadong healthcare workers na may ‘exposure’ sa COVID-19.
“The updated recommendations were deemed necessary because the difference in guidelines for quarantine of isolation of travelers, the general public, and specific sectors like healthcare wor­kers have been causing confusion on the ground,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Ikinatwiran pa niya na ang mas mahabang qua­rantine at isolation ng mga healthcare workers ay nagdudulot ng problema sa healthcare system at ekonomiya ng bansa. Naniniwala umano ang mga eksperto na mas malaki ang benepisyo nito kaysa sa panganib.
Samantala, ang mga indibidwal na may ‘mode­rate symptoms’, kahit ano pa ang kaniyang istatus ng pagpapabakuna, ay kailangan na mag-quarantine ng hanggang 10 araw. Nananatili naman ang 21-araw na isolation para sa mga pasyente na may ‘severe at critical cases’ at maging sa mga taong ‘immunocompromised’.
Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.