Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga netizens na huwag pindutin ang link na kumakalat sa social media na may mensaheng “ikaw ba ‘yan sa video?”

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, modus nito ang pagpapadala ng clickbait link na may pamagat na “Ikaw ba ‘tong nasa video?”.

Babala ni Fajardo, huwag i-click ang link, lalo na kung hindi naman nila kilala ang sender ng mensahe.

“Mag-ingat po tayo. Kung hindi n’yo po kilala yung TikTok owners, yung mga Facebook account na nagpapadala sa inyo ng spam messages, wag n’yo na pong i-click,” ang wika ng opisyal.

Aniya, maaaring ma-divert ang user sa isang social media page o account na posibleng manguha ng kanilang personal na impormasyon hanggang sa mabuksan ang kanilang bank o GCash account.

“Once na ma-click po ‘yun, makukuha ‘yung account, mga personal accounts, that may lead to grave… more grave na problema,” ani Fajardo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
“Actually na marami na po tayong na-encounter na ganyang problema at nare-receive na complaint. So let us be careful in dealing with unknown spam senders po,” dagdag pa niya.

Paalala ng PNP sa publiko, nag-iinnovate na ang mga scammer upang makapangloko.
Pagtitiyak ni Fajardo, iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime group (ACG) ang naturang scheme.

“The PNP Anti-Cybercrime group is now looking at the possibility na iisang grupo, ‘yung behind this kumakalat na mga TikTok na ang purpose po talaga ay victimize yung mga… mahihilig talaga dito sa diferent social media accounts,” ang wika ng opisyal.

Pinalalawak na rin ng PNP ang cyber patrolling efforts nito upang mapigilan ang pamamayagpag ng mga scammer sa social media.

“Hindi lamang po ngayon ang ACG ang binigyan ng instruction to conduct cyber patrolling, pati na po yung mga station ay tinuruan na din po at in-orient na din po sila,

how to properly conduct cyber patrolling to identify ‘yung mga ganitong klase nga po ng TikTok… mga lumalabas sa TikTok, na yung iba nga po ay enticing yung mga kababayan natin to click,” ani Fajardo.

Sa ulat ng PNP-ACG, nasa 118 reklamo ukol sa scam sa social media ang kanilang naitala sa loob lamang ng tatlong buwan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: UNTV News
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.