fbpx

Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital ang magkapatid matapos na nawalan ng balanse at sumemplang ang motorsiklo na sinasakyan kahapon ng mada­ling araw sa  kahabaan ng D.Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, ng lungsod na ito.

Ang magkapatid na nasawi ay nakilalang sina John Michael Vincent Palmes Oyao, 24, driver ng motor at kapatid nitong babae na si Shane Ashley Palmes Oyao, 18, kapwa residente ng Blk. 146, Lot 6, Phase 4, Marycris Complex Pasong Camachille, General Trias City, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya bago nangyari ang aksidente,alas-4:30 ng madaling araw ay minamaneho ni John Michael ang motorsiklo, angkas ang kapatid na si Shane Ashley at binabagtas ang kahabaan ng   D.Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, patungo  ng  palengke.

Dahil sa may kabilisan umano ang pagpapatakbo ni John Michael ng motorsiklo ay aksidenteng  nilipad  ang suot nitong helmet dahilan upang mawalan ito ng   balanse  at  sumemplang.

Tumilapon ang magkapatid at bumagsak na una ang ulo sa steel barrier sa center island.

Nagawa pang madala sa pagamutan ang magkapatid,subalit kapwa dead on arrival.

Source: Phil Star Ngayon

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Higit P3-M halaga ng shabu nasabat sa Bacoor, Cavite

Tiklo ang 1 negosyante at 2 kasabwat matapos mahulihan umano ng P3.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod Bacoor, Cavite nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa PDEA, nahuli ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa labas ng isang tindahan sa Barangay Panapaan...

U.S. surgeons successfully test pig kidney transplant in human patient

For the first time, a pig kidney has been transplanted into a human without triggering immediate rejection by the recipient's immune system, a potentially major advance that could eventually help alleviate a dire shortage of human organs for transplant.The procedure...

100 taong gulang na lola, ibinahagi ang sikreto sa mahabang buhay

Isang lola mula sa Santa Elena, Camarines Norte ang nagdiwang ng kaniyang ika-100 kaarawan noong nakaraang linggo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes. Ipinanganak si Eugenia Maravilla noong October 10, 1921. Bagamat 18 taon nang hindi nakakakita dahil sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.