Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Patay ang isang lalaki matapos na pagtatagain ng isang magkapatid na dati na nitong kaalitan sa Barangay Lantic, Carmona nitong Hulyo 10.

Ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, ang biktima ay kinilala bilang si Junifer Datanagan, 36-anyos, habang ang mga suspek ay sina Rolly Cristobal, 40, at kapatid nitong si Randy na kapwa residente ng naturang barangay.

Sa parehong ulat, sinabi ni Paul Jeeno Zamora, ng Carmona Police, na bandang alas-10 ng umaga habang nasa loob ng kaniyang bahay si Datangan ay dumating ang isa sa mga suspek.

Dito na umano inungkat ng suspek ang dati nilang alitan na mayroon palang dalang bolo sa likuran nito. Habang nagsasalita ang biktima ay tinaga ito sa mukha ng suspek. Nagawa pa nitong makatakbo ngunit nakaabang sa labas ang kapatid ng suspek na may dala ring itak.

Dito na pinagtataga ng dalawa ang biktima at nang makita na wala na itong buhay ay mabilis na tumakas ang magkapatid na suspek, batay pa rin sa naturang ulat.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ay tatlong bolo, kung saan ang dalawa sa mga ito ay ginamit ng mga suspek habang ang isa ay sa pumanaw na biktima.

Source by Pilipino Star Ngayon
Photo courtesy by RMN Network

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.