Inaprubahan ng Senado nitong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong gawing lungsod ang bayan ng Carmona sa lalawigan ng Cavite.

Naniniwala si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na kuwalipikado ang Carmona na maging component city matapos sumunod sa dalawang criteria na itinakda ng batas sa ilalim ng Republic Act No. 11683 – ang nalilikhang taunang kita at ang bilang ng kanilang populasyon.

Ang House Bill No. 3968 at Senate Bill No 1355 sa ilalim ng Committee Report No. 12 na may pinamagatang “An Act Converting the Municipality of Carmona in the Province of Cavite into a Component City to be known as the City of Carmona” ay inisponsoran ni Ejercito.

“It is an industrial community that hosts 12 industrial estates and four industrial compounds that house 329 manufacturing, garments, semiconductor, electronics, and steel fabrication industries,” sabi ng Ejercito, chairman ng Senate committee on local government.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
“Carmona is also a rising smart city. Its biggest ongoing development and investment is expected to further transform Carmona into one of the most modern and highly urbanized communities in the Philippines,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Senador Ramon Bong Revilla Jr., may akda SBN 1355, ang panukalang kombersiyon ng Carmona ay magpapaganda ng kapabilidad nito para makaakit ng marami pang mamumuhunan sa lokalidad at mapaganda pa ang serbisyo para sa kanilang nasasakupan.

“All the major indicators of the real and viable industrialization are present in Carmona, which includes leisure parks, hospitals, universities, subdivisions and real states, and the more than 450 industrial establishments, including the recent development of the 200-hectare Smart City of Carmona,” ani Revilla.

Ang Carmona ang pinakamayamang munisipalidad sa Pilipinas noong 2021 na may P6.2 bilyong total assets batay sa Annual Financial Report of the Commission on Audit (COA).

Subalit inaasahang mawawala na ang pagkilala nito bilang pinakamayamang munisipalidad sa bansa sa oras maging isang component city na ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Abante News
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.