Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nagbigay ng babala at paalala ang DOST Batangas dahil sa patuloy na mataas na pagbuga ng sulfur dioxide ng bulkang Taal.
Narito ang post ng DOST Batangas sa kanilang Facebook page:
Ang unang sukat ng volcanic sulfur dioxide o SO2 na ibinuga ng Taal Main Crater kaninang umaga, 19 Agosto 2021, ay umabot ng 15,347 tonelada kada araw. Ito ay dumudugtong sa pataas na buga ng SO2 simula pa ng 13 Agosto 2021 na may average mula noon hanggang kaninang umaga na 8,351 tonelada kada araw. Kasabay nito ang pagsingaw ng matatayog na steam-rich plume na 1,000-3,000 metro ang taas mula sa Taal Main Crater. Ngayong araw, umiral ang temperatura na 32.2ºC, relative humidity na 55.8% at mabagal na pag-ihip ng hangin na nasa 0-2.3 metro/segundo lamang ang bilis abot hanggang tatlong kilometrong taas ng himpapawid. Ang mataas na SO2 flux, singaw o water vapor na ibinubuga sa plume, mahinang hangin at sikat ng araw ay maaring patuloy na lumikha ng volcanic smog o vog na babalot sa kalakhang Taal Caldera. Katunayan, nakatanggap na ng mga ulat ang DOST-PHIVOLCS ng mga naging masamang epekto sa ibang mga residente ng Talisay at Brgy. Barigon, Agoncillo sa Lalawigan ng Batangas; mayroon ding haze na namataang umiiral sa Taal Lake at mga karatig-bayan nito.

Bilang paalala, ang vog ay isang uri ng polusyon sa hangin na sanhi ng mga bulkan. Binubuo ito ng mga pinong patak na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at nakakairita ng mga mata, lalamunan at respiratory tract depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap nito. Ang mga taong sadyang sensitibo sa masamang epekto ng vog ay ang mga may sakit gaya ng hika, sakit sa baga at sakit sa puso, mga matatanda, mga buntis, at mga bata. Sa mga pamayanan na nakararanas ng vog, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

1. Limitahan ang pagkakalantad o exposure sa vog. Iwasan ang mga gawaing panlabas o manatili na lamang sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pintuan upang maiwasang makapasok ang vog sa loob ng bahay.

2. Protektahan ang sarili. Gumamit ng nararapat na N95 face mask o gas mask. Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga. Kung kabilang sa mga sensitibong grupo, siguraduhing subaybayan ang inyong kalagayan at magpatingin agad sa doktor o sa barangay health unit kung kinakailangan, lalo na kung may malalang epekto ng vog.
Dahil sa patuloy na mataas na antas ng SO2, ang mga pamayanan sa paligid ng Taal Lake ay pinaaalahanang magdagdag-ingat. Hinihikayat ng DOST-PHIVOLCS ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng health checks sa kanilang pamayanan kung naapektuhan ng vog upang tiyakin ang kalagayan ng mga residente at kung kinakailangan ang panandaliang paglikas ng mga lubhang naaapektuhan. Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na laging sumangguni sa mga weather at wind forecast ng DOST-PAGASA upang sa gayon ay mabatid kung maaaring mapadpad sa kanilang pamayanan ang SO2 gas kung may mataas na pagbuga nito. Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na magmasid sa mga nangangalaga ng mga baklad sa Taal Lake upang masiguro na walang lumalapit sa Taal Volcano Island at malantad sa mapanganib na SO2 gas.

Pinakahuli, pinaaalahanan ang publiko na ang Alert Level 2 ay nanatiling nakataas sa Bulkang Taal at ang banta ng biglaang steam-driven o gas-driven na pagputok at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng TVI. Ang mataas na pagbuga ng SO2 ay maaari ring nagbabadya ng phreatomagmatic activity katulad ng naganap na pagputok ng bulkan noong 1 Hulyo 2021. Sa mga kadahilanang ito, ang pagpunta sa TVI ay dapat maigting na ipagbawal at ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na ipatuloy ang pagpapatibay ng kahandaan ng kanilang mga pamayanan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago ng kalagayan nito sa lahat ng kinauukulan.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.