Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kamara ang pagbibigay ng P2,000 cash allowance kada buwan bilang tulong sa mga persons with disabilities (PWDs).

Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social support program ay itinutulak din ng advocacy group na Life Haven Center for Independent Living, Nationwide Organization of Visually-Impaired Empower Ladies at Philippine Coalition on United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities.

Batay sa panukala, unang makatatanggap ang mga edad 17 taong gulang pababa at makalipas ang tatlong taon ay susunod naman ang 18 hanggang 59-anyos at makalipas ang tatlong taon ay ang nalalabing age bracket.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Aniya, dala na rin ng hirap na makapagtrabaho ang mga PWD at bunsod ng banta ng COVID-19 patuloy na naghihirap ang mga ito at hindi na makaahon sa buhay.

Ayon sa solon, ang mga PWD ay tinatayang 12% ng populasyon ng bansa.

“In a just and humane society that leaves no one behind, it is important that we ensure equitable access and empower persons with disabilities to free themselves and their families from the poverty trap,” dagdag pa ng solon.

Upang hindi mabigla ang gobyerno sa kakailanga­ning pondo, iminungkahi sa panukala ang progressive roll-out ng programa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas presyo sa ilang mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magpapatupad nang bawas singil ang ilang kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 22, 2022. Bababa ng P2.15 sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene. Bababa naman sa P0.40 per liter ang presyo...

Pagpapatayo sa Cavite-Bataan bridge, uumpisahan na sa 2024

Magsisimula na ang pagtatayo ng P175 bilyong inter-island bridge na Magdudugtong sa lalawigan ng Cavite at Bataan sa unang quarter ng 2024, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang 32 kilometrong proyekto ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa...

10-days service incentive leave, inaprubahan na ng Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong itaas ang yearly service incentive leave SIL ng mga kwalipikadong empleyado sa sampung araw mula sa dating lima. Sa botong 273-0, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.