Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaki dahil sa pagbebenta umano ng kalahating kilo ng shabu sa Dasmariñas, Cavite. Agad pinaligiran ng NBI ang isang kotse sa isang talipapa sa Dasmariñas at nagdeklara ng aresto. Sa loob kasi ng kotse nangyari ang buy-bust operation kung saan nagkunwaring bumibili ng kalahating kilong high grade shabu ang mga operatiba sa halagang P1 milyon.
Ang pinagsususpetsahang mastermind ay si Jerklie Abdulkarim. Inamin niyang regional officer siya ng tumatakbong party-list group na People’s Volunteers Against Illegal Drugs. Pero nilinaw niya na walang kinalaman ang grupo sa krimen. Kasama sa nahuli ay ang isang menor de edad na ginawa umanong courier ng droga. Pero ayon sa NBI, ilang taon nang nagbebenta ng droga ang mga suspek sa Cavite at Metro Manila.
Kinokondena naman ng People’s Volunteers Against Illegal Drugs ang pagkakadawit ni Abdulkarim. Magkakaroon daw sila ng internal investigation at makikipagtulungan sa NBI. Dinala muna sa DSWD ang suspek na menor de edad, habang kulong ang 2. Lahat sila ay kinasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act.
Source: ABS CBN News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.