Isang Nigerian national ang ipinakulong ang kaniyang sariling anak matapos siyang bugbugin, sakalin at saksakin dahil sa kanilang pagtatalo sa Bacoor, Cavite.
Hawak ngayon ng Bacoor City Police ang suspek na si Michael Okunniya y Oluwadamilola, nasa hustong gulang, dahil sa reklamo ng kanyang ama na si Olumuyiwa Okunniya y Samuel, kapwa residente ng 4246 Miranda compound, Barangay Panapaan 4, Bacoor City, Cavite.
Nauna dito, nagsumbong ang isang James Rosales, 30-anyos, kay Olumuyiwa matapos umano siyang suntukin ni Michael bandang alas-12:30 tanghali noong Biyernes sa naturang compound.
Kinompronta ng biktima ang suspek pero nagalit ito, binugbog, sinakal at sinaksak pa ito bago tumakas bandang alas-9:30 ng gabi.
Humingi ng tulong ang matandang Okunniya sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng kanyang anak.
Samantala, nasa ligtas ng kalagayan si Olumuyiwa mula sa tinamong saksak sa katawan.
Source: Abante News
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Other Stories
LABAN PILIPINAS!
LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...
Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo
Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...
Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA
Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na