Inaresto ng mga awtoridad ang isang babae na negosyante at kanyang bayaw matapos sila mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa kanilang ukay-ukay sa bayan ng Alfonso.

Kinilala ang magbayaw na suspek na sina Baby Daludong, 33, owner ng Ukay-Ukay at Rusty Nakon na may mga alias na “Amin” at “Baisan” 25 anyos; kapwa residente ng #39 General Cluster St., Brgy. Buck State Alfonso, Cavite.

Sa nakalap na report mula kay Patrolman Jeffrey Gutierrez, may hawak ng kaso, alas-5 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (DEG-SOU-4B) ni Police Lieutenant Larry Rey, Special Ope­ration Unit 4B, Special Operation Unit 4A at Special Drug Enforcement Group ng Alfonso Police na pinangunahan ni Police Major Rommel Dimaala, hepe ng pulisya sa bayang ito ang drug bust laban sa dalawang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Nagpanggap na kustomer ng mga damit na ukay-ukay ang isang tumayong poseur buyer at palihim na nakipag-transaksyon sa mga suspek upang makakuha ng shabu.

Nang magpositibo ang bilihan, dito na pinaligiran ng grupo ang mga suspek at nakuha sa kanila ang may mahigit sa 50 gramo ng shabu na aabot sa halagang P340,000.

Narekober din sa operation ang isang brown paper bag na naglalaman ng bundle ng boodle money na ginamit sa drug bust, isang unit ng keypad Nokia cellphone, at apat na identification cards na nakapangalan sa dalawang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philstar
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.