Isang linggo nang naghihintay sa Airport ang isang 67 anyos na babae para sa kanyang nobyong nakilala sa Facebook. Pero sabi ng Airport police, biktima ng Love Scam ang babae.

Naluha na lamang sa sama ng loob ang 67 years old na babae na itago na lang natin sa pangalang aling Remi , sa kakahintay sa NAIA terminal 1, hindi daw dumating ang kanyang mapapangasawa na si Alex Shandler 67 years na aniya ay retiradong US navy

Kwento niya nakilala niya ang dayuhang nobyo sa facebook

“Marami akong ka-chat, marami akong naging… ginusto ko siya kasi mabait siya sa… patitingin niya o ano, hindi siya bastos.”

Nito raw nakaraang linggo humingi raw ng 500 US dollars o mahigit 24 thousand pesos si Shandler para lang makalabas sa kampo ng Afghanistan at makuha ang pension nito na 300 thousand US dollars o mahigit 14 Million pesos, umutang daw si aling Remi ng 35 thousand pesos para maipadala kay Shandler, pagdating daw sa airport dito sa Pilipinas naharang daw ang kaniyang nobyo at pinagbabayad ng 70 thousand pesos sa immigration.

“Nandito siya! Hawak siya. Ayaw nila ibigay yung bagahe niya kasi sabi niya… gusto nila raw buksan yung bagahe niya. Sabi ko naman, ‘no way! Kinukuhanan ako nu’ng tatlong babae ng tig-30,000. Saan ako hahagilap ng pera dito?” – ani ni aling Remi

Tatlong babae ang kumukontak sa kaniya, isang Mary Grace, Joanna at Angela Dela Cruz na tumanggap raw ng 20,000 pesos na inutang ulit ng matanda.

Mahigit isang linggo nang nasa Airport si aling Remi at naniniwala siya na hindi daw siya na i-scam.

“Hindi. Nandito siya. Hindi siya nanloloko ito. ‘Yung tatlong babae ang scammer.”

“Hawak nu’ng mga babae (inaudible) gusto raw nila… Ito sir, sabi niya ‘honey I [have] a problem here, I don’t know here…” – sabi ni aling Remi

Ngayon Hindi na raw macontact ang mga babae, at wala na sa facebook ang kanyang nobyong si Shandler.

Sabi ng Airport Police, nabiktima si aling Remi ng Love Scam, modus na nang bibiktima ng mga naghahanap ng mapapangasawa sa internet.

Report mula kay Emil Sumangil ng GMA News

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.