Kasabay ng pagkalat ng COVID-19, ay paparami din nang paparami ang mga kumakalat na chismis sa personal man maging sa social media. At ayon sa kay Atty. Concepcion sa panayam nito sa Unang Hirit ng GMA News, maaaring makasuhan ang mga taong naninirang puri ngayong panahon ng pandemiya kung saan maraming nabibiktima ng diskriminasyon lalo na ang mga nagkakaroon ng COVID-19.

Binanggit ni Atty. Concepcion ang iba’t-ibang uri ng paninirang puro kagaya ng pag-aakusa sa tao ng paggawa ng krimen, isang gawain o panlalait sa kaniyang estado o kondisyon.

Dagdag nito, nakasaad din sa Civil Code na dapat respetuhin ang bawat tao, lalo na ang kaniyang “peace of mind,” “dignity” at “privacy”. Magkakaroon naman ng hiwalay na kaso ang sinumang lumabag dito.

Maaaring makulong ng isang buwan at pagmultahin ng P20,000.00 ang sinumang mapapatunayang makagawa ngsimple slander. Ngunit maaari namang makulong nang hanggang dalawang taon at apat na buwan at multa na P100,000.00 ang sinumang makakagawa ng grave slander.

Kung sa pamamagitan naman ng sulat kumalat ang tsismis kabilang ang mga post sa social media kung saan mas mabilis kumalat ang tsismis at mas maraming makakabasa, libel na ang tawag dito at mas mataas ang parusa para dito.

Maaari din namang maharap sa kasong “intriguing against honor” ang sinumang magpakalat ng tsismis kahit hindi siya ang nagsimula nito.

Source: GMA News

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.