Nilinaw ng Social Security System (SSS) kasalukuyan nang saklaw ng kanilang Sickness Benefit Program ang mga miyembrong manggagawa na tinamaan ng COVID at naka-home quarantine.

Sinabi ng SSS sa isang pahayag kahapon na ang kanilang mga miyembro na hindi makakapasok sa trabaho sanhi ng sakit o injury at naka-confine sa ospital o sa tahanan sa loob ng apat na araw ay maaaring mag-avail ng sickness benefit.

Bukod sa mga employed member, nagbibigay din umano ang SSS ng sickness benefit para sa mga self-employed, voluntary, at overseas Filipino worker (SSS) na miyembro ng ahensiya.

Ayon pa sa SSS, ang mga COVID-infected member na naka-home quarantine ay kuwalipikado sa naturang programa kung nabayaran nila kahit ang tatlong buwan na kontribusyon sa loob ng nakalipas na 12 buwan bago nangyari ang pagkakasakit o injury.
Kailangan din umano magpakita ng positive RT-PCR test o rapid antigen test ang isang SSS member na tinamaan ng COVID na isinagawa ng mga accredited facility ng Department of Health.

Source: Abante News PH
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.