Patay ang mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo matapos makasalpukan ang isang kasalubong na pick-up sa kahabaan ng Aguinaldo highway Barangay Lalaan 1, Silang, Cavite.

Kapwa binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga biktimang sina Ruel Cortez, 41 at Glenda Cortez, 35, mga taga rgy. Taludtod, Balayan, Batangas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Batay sa report ng Silang Police, patungo sa direksyon ng Tagaytay ang mag-asawa mula sa bayan ng Silang nang masabitan ang mga ito ng kasalubong na pick-up na nag-ovetake sa isang nakatigil na subcompact SUV sa gitna ng highway dakong alas 6:00 ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, huminto ang SUV para kumalliwa subalit sumabit dito ang nag-overtake at nagpumilit na lumusot na pick-up.

Dahil sa impact, napatulak ang pick-up papunta sa linya ng paparating na motorsiklo na hindi na nakaiwas sa sasakyan at bumangga sa tagiliran.

Nagtamo ang mag-asawa ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan matapos tumumba ang kanilang motorsiklo.

Agad isinugod ang mga ito sa ospital kungsaan halos wala pang isang oras ay kapwa na binawian na ng buhay.

Kinustodiya naman ng Silang PNP ang nagmamaneho sa pick-up at ang driver ng SUV na isang Korean National at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: PNP Silang
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.