Lumalabas na namatay sa pagkalunod ang isang lalaki na mukhang Chinese na itinapon sa isang damuhan sa bayan ng Kawit, dito, kamakalawa ng hapon.

Sa inilabas na report ni Police Major Pete Malinao, MD Medico legal officer ng Police Regional­ Office-4A na sumuri sa bangkay ng biktima, “As­pyxia by Drowning” o pagkalunod ang ikinamatay ng biktima na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala.

Sa naunang ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong ba­hagi sa may gilid ng Abaya Road sa Brgy. Toclong, Kawit dakong alas-4:20 ng hapon.

Sa imbestigasyon ni P/Sergeant Mark Anthony­ Dealca, may hawak ng kaso ng Kawit Police, ti­na­tayang nasa edad 25 hanggang 30-anyos ang biktima na may taas na 5’9, maputi ang balat maikli ang buhok at nakasuot ng mamahaling puting t-shirt, maong pants at puting sapatos.

Dahil sa pagkalunod ang sanhi ng kamatayan ng biktima, palaisipan kung paano siya pinatay dahil sa madamong bahagi siya natagpuan at walang katubigan o ilog sa lugar. May posibilidad na pinatay ang biktima sa ibang lugar saka itinapon sa masukal na lugar upang mailigaw ang imbestigas­yon ng pulisya sa krimen.

Kaugnay nito, bumuo na ng special investigation­ team ang pulisya na tinawag na “Abaya” upang magsagawa ng malali­mang imbestigasyon sa pagkakatagpo sa natu­rang Chinese looking na biktima sa Kawit.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ang probe team ay binubuo ng tig-dalawang tao mula sa Intelligence at Investigation Divisions at ibang support unit na pamumunuan ni Kawit Police chief Major Lyman Ortillo San Juan sa ilalim ng city level.

Sinabi ni San Juan na may iba-ibang tasking ang mga miyembro ng naturang team.

“We are now investigating the identity of the Chinese-looking cadaver because there was no identification card or any other document when he was found in the area,” pahayag ni San Juan.

Sinabi ni San Juan na wala silang nakitang palatandaan ng tama ng baril, saksak, pasa o galos­ sa katawan ng biktima, at pinabulaanan nito ang unang ulat na nakagapos ang kamay at paa ng biktima nang matagpuan ng mga awto­ridad sa Abaya Road.

Pinag-aaralan din ang isang video na nagsasabing may iba pang patay na nakita sa lugar mali­ban sa nasabing Chinese looking na lalaki.

Sa kabila nito, iti­nanggi ni San Juan ang kuma­kalat sa social media na isang chop-chop na kata­wan ng isang babae ang nakita sa plastic bags, ilang metro lang ang layo sa natagpuang bangkay ng Chinese looking na biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philstar
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.