Iniimbestigahan na ng Cavite police ang motibo sa pagpatay sa tricycle driver na pinaulanan ng bala ng suspek habang nagmamaneho at may sakay na pasahero sa Dasmarinas City, Cavite

Isinugod pa sa ospital ang biktimang na residente ng City Homes Resortville, Brgy Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek dala ng ginamit na baril.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmariñas City Police Station, alas-6:50 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa pasahero ng biktima, habang sakay sa tricycle ay nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita nito ang duguang si Santos na unti-unting bumabagsak.

Masuwerte namang hindi nasugatan ang pasahero ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang.

Source: Abante News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.