Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng isang C-130 aircraft ng militar na may lulan na 96 pasahero at crew sa Sulu nitong Hulyo 4, 2021.

May 29 na bangkay ng military personnel na ang narekober mula sa crash site, habang 2 sibilyan naman na nasa lupa ang nasawi sa pagbagsak ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force na may tail number na 5125.

Nasa 50 sundalo ang sugatan sa insidente habang 17 naman ang pinaghahanap pa sa kasalukuyan, base sa pinakahuling tala ng Joint Task Force Sulu.

Ayon sa text ni Lt. Col. Maynard Mariano ng PAF Public Affairs Office, galing ang C-130 sa Villamor Air Base sa Pasay at nag-landing sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City. Mula doon, maghahatid sana ito ng mga sundalo papuntang Jolo, Sulu.

Pasado alas-11 ng umaga nang maiulat ang pagbagsak sa Sulu. Agad na sumugod sa crash site ang mga tropa ng militar, pulisya, Bureau of Fire Protection at provincial disaster office. Patuloy ang isinasagawang rescue at recovery operation.

Nanawagan naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na iwasan ang pagkalat ng mga haka-haka, na hindi umano nakakatulong sa nangyaring trahedya.

Photo courtesy by Philippine News Agency
Source by ABS-CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.