Isang Caviteño ang nagviral sa social media ngayong linggo matapos nitong maglive habang natutulog. Ilang oras lamang matapos ang kaniyang Facebook live ay umabot na ng mahigit 1 milyong views ang kaniyang video. Ang netizen na ito ay si Marnie Saez na mula sa Cavite City. 

Sa panayam ng Proud Caviteño kay Marnie, hindi umano niya inaakala na magte-trending siya sa Facebook. Dahil na rin daw siguro wala itong magawa ngayong quarantine kung kaya’t naisipan niyang mag-live habang natutulog.

Pero bukod pa dito, may mas malalim pa pala itong dahilan kung bakit niya ito ginawa. Ayon kay Marnie, wala itong kasama dahil umuwi sa Rizal ang kaniyang mag-ina matapos nilang mag-away. “Mag-isa lang po kasi ako at nalulungkot ako. Nami-miss ko na rin ang mag-ina ko. Kaya para maramdaman ko na may kasama ako sa pagtulog ko, nag-live na lang po ako. Hindi ko naman akalain na paggising ko, andami nang nanonood.” ayon kay Marnie.

“Naisip ko din na sana makita ito ng asawa ko na si Korynne at ng anak ko na si Marco kasi nami-miss ko na sila.” dagdag pa nito.

Ayon din kay Marnie, isa sa mga pangarap nito ay ang maging isang online streamer. 

Natulog ito bandang alas-11 ng gabi nitong Miyerkules at nang magising siya ng alas-3 ng madaling araw ay libu-libo na ang nagcomment at nanonood sa kaniya.

Nagpasalamat naman ito sa mga sumuporta at “nagbantay” sa kaniyang pagtulog. “Thankyou sa lahat especially kay God! 🙏☝️❤️💖 Marameng salamat sa mga nagbantay at sumusuporta!” pahayag ni Marnie sa kaniyang Facebook post.

Narito ang nag-viral na video ni Marnie habang natutulog:

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.