Nasawi ang isang ina na nagpapaubos na lamang sana ng kaniyang tindang karne ng baboy matapos sumalpok ang sinasakyan nitong garong sa isang motorsiklo sa Asingan, Pangasinan.

Ang biktima ay angkas sa garong na minamaneho naman niJimroy Cruz, sa Barangay Domanpot. Nagtamo ng matinding sugat ang biktima na nadala pa sa ospital ngunit binawian rin ng buhay.

Samantala, nakaligtas naman ang nagmamaneho na si Cruz ngunit kasalukuyan itong nagpapagaling pa sa ospital.

Pahayag ni Police Major Resty Ventenilla, hepe ng Asingan Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na bigla umanong lumiko ang garong ng biktima kung kaya’t nabangga ito ni Cruz  na mabilis umano ang takbo.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, bukas silang makipag-usap sa kabilang panig upang hindi na umabot pa sa demandahan ang nasabing engkwentro.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.