Nagpaalam sa kanyang lolo ang 12-anyos na si Bheanne Banico na lalabas ng bahay at maghahanap ng signal para kausapin ang kanyang guro tungkol sa kanyang module. Pero ilang oras na ang nagdaan at hindi na ma-contact ang kanyang cellphone. Nang matagpuan ang Grade 7 student, bangkay na ito, wala nang saplot at tadtad ng saksak

Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News “24 Oras” Weekend nitong Sabado, kinilala ang biktima na si Bheanne Banico, 12-anyos, na nagtungo sa isang masukal na bahagi ng Barangay Punta para mag-online at makausap ang kaniyang guro tungkol sa module nila sa klase.

Ayon sa kaniyang lolo, Biyernes ng umaga nagpaalam ang kaniyang apo.

Pero makalipas ang isang oras, hindi na makontak ang cellphone ng dalagita kaya hinanap na siya.

Nang matagpuan, wala nang buhay ang biktima.

“‘Yung bangkay ng aking apo na nasa sukalan, may mga sugat po sa leeg na sa tingin ko’y… at saka marami pa po sa katawan,” sabi ni Vicente Banico, lolo ng biktima.

“Ako naman ay nakikiusap sa iyo na panagutan mo ang ginawa mo sa aking apo sapagkat tinigil mo ang kaniyang magandang future eh,” panawagan ng pamilya ni Banico sa gumawa ng krimen.

In-autopsy na ang labi ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon. -Jamil Santos/MDM, GMA News

 

 

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.